SA SIX THOUSAND PESOS, NAKA-CHEKE MAN O NAKA-ATM, MARAMI NA AKONG MABIBILI, MARAMI NA AKONG MAPUPUNTAHAN, MARAMI NA AKONG MGA MALILIIT NA BAGAY NA MAI-ENJOY AT MAS LALONG MARAMI NA AKONG MGA UTANG NA MABABAYARAN PARA MAKABAWAS SA LISTAHAN.
MATAGAL-TAGAL NA DIN NAMAN AKONG WALANG BAGONG GAMIT - PERTAINING TO GAMIT - CELLPHONE IN PARTICULAR. PWEDE PA NAMANG MAGAMIT ANG AKING MGA CELLPHONE (HINDI AKO NAGYAYABANG, MGA ORIG NOKIA PHONES KASI 'YUNG DALAWANG HAWAK KO PLUS ISANG CHINA PHONE NA PAMANA NI PAPA KO SA AKIN). TO DATE AT AYON SA AKING HAKA-HAKA, NAKA-TATLONG PALIT PA LAMANG AKO NG CELLPHONE SIMULA NG GUMAMIT AKO NITO NUNG HIGH SCHOOL PA AKO, 1ST YEAR H/S TO BE EXACT. KUNG AKO MAGKAKAROON NG BAGO, ANG HABOL KO LANG NAMAN AY ANG VIDEO/AUDIO RECORDING, MAY FM RADIO NA CLEAR PUMIK-AP NG SIGNAL, KAHIT TOUCH AND TYPE (MAS MADALI SA AKIN ANG KAHIT DE-KEYPAD NA LANG, WALA AKONG PAKIALAM SA "QWERTY-QWERTY" NA TINATAWAG NILA), AT LASTLY MAY MP3 PLAYER PARA MAY SOUNDS AKO 'PAG NASA BYAJE O KAHIT SAAN AKO MAGPUNTA. LAST DECEMBER, I SAW THIS CERTAIN CP UNIT, AT SWAK... 'YUN YUNG GUSTO KO. Php6K.
PERO MARAMI PA DIN AKONG UTANG NA NANGANGAILANGAN NG ATENSYON. LISTAHAN NA ANTAGAL NG UMIIYAK SA TINDAHAN (TAKE NOTE, 'DI NAMAN KALAKIHAN) LALO ANG "LOADS" NA NAUUTANG SA BABAENG WALANG WENTA SHE'S NO OTHER THAN "JASMIN DE LUNA", DATING OFFICEMATE. TAKE NOTE, 'DI NAMAN KALAKIHAN). SA BAHAY NAMIN, TAMBAK ANG DALAWANG "ELECTRIC BILL". I TERMED IT "TAMBAK" PARA MA-EXXAGGERRATTE. GUSTO KO KAHIT PAPAANO MAKAPAG-BIGAY PA RIN AKO KAHIT SAGUTIN KO ISANG BILL. (YABANG!!!) TAPOS ETO NA NAMAN ANG BHAUZ FOR JANUARY. KUNG MERON MAN TAYONG "KAMBAL" NA HINDI NATIN NAKIKITA, TAYONG MGA NABUBUHAY DITO SA LUPA, 'YUN AY ANG "UTANG". BUNTONG HININGA... JEJEJEJE
MASYADO KO LANG PINAPA-KOMPLIKADO ANG BUHAY KO JEJEJEJE... SABI NG IBA, KIKITAIN KO DAW ITO ULIT. SABI NG ILAN, UNAHIN KO ANG MAS DAPAT.
KIBIT-BALIKAT. KUNOT-NOO. WIDRO ANG PERA SA ATM. AT BAHALA NA.
(NOTE: SIGURADONG MATATAWA LANG AKO MULI 'PAG MABABASA KO ITO 3 MONTHS FROM NOW)
KAPE TAYO HABANG NAG-IISIP!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento